Naghain ng resolusyon si Konsehal Danee Canto sa Sangguniang Panglungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at turistang bumibisita sa Tondigan Beach.

Ayon kay Canto, layunin ng hakbang na ito na paigtingin ang seguridad sa nasabing pasyalan, lalo na tuwing weekends at “family day” kung kailan dagsa ang mga taong nais maglibang. Sa gitna ng patuloy na paglago ng turismo sa lungsod, binigyang-diin ng konsehal na dapat ay kaakibat nito ang sapat na proteksyon para sa lahat.

Kabilang sa pangunahing mungkahi sa resolusyon ay ang paglalagay ng malinaw na swimming zones, pagpapalagay ng sapat na safety signages, at pagdaragdag ng mga safeguards at sapat na kagamitan sa bawat istasyon ng beach upang matiyak na may nakabantay sa mga naliligo.

--Ads--

Aminado si Canto na ang naturang resolusyon ay bunsod ng nakakalungkot na insidente sa isang batang atleta mula sa Ateneo na nawalan ng buhay. Binigyang-diin niya na ayaw na nilang may mangyari pang katulad nito sa lungsod.