Tinututukan ang kaligatasan at seguridad sa Tondaligan Beach sa syudad ng Dagupan dahil sa banta ng bagyong Kristine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Albert Gregorio ang Tondaligan Beach Administrator, para sa kanilang monitoring ay wala pang itinataas na gale warning sa kasalukuyan dahil mababa pa ang alon at kasalukuyang low tide, kaya’t wala pang babala patungkol sa no swimming policy.

Gayunpaman, napapanatili pa rin nila ang kaligtasan ng mga taong nagpupunta sa nasabing beach lalo na ang mga lumalangoy dahil may mga nakatalagang 11 lifeguard. Nakatutok din sila lalo na tuwing Sabado at Linggo.

--Ads--

Dagdag pa ni Gregorio, may kooperasyon naman sila mula sa CDRRMO ng syudad ng Dagupan, nakaantabay sila tuwing may nga polisiyang ipapatupad tuwing masama ang panahon.