DAGUPAN CITY- Binabantayan ng mabuti ng mga komite ang kaligtasan at kapakanan ng mga manlalaro para sa Palarong Pambansa 2025, dahil na rin sa pabago-bagong panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay esar Bucsit, Committee Chairperson ng Media and Documentation Committee para sa Palarong Pambansa 2025, kailangan aniyang dumaan sa masusing screening at quality control upang matiyak na kwalipikado silang makalaro at nasa maayos silang kalagayan.
Aniya, nagsimula nang dumating ang mga delegado ng Rehiyon Uno noong Mayo 19 hanggang 20 sa kanilang mga itinalagang sites.
Nasa 590 na atleta mula Rehiyon Uno ang kumpirmadong lalahok sa taunang paligsahan ng mga kabataang manlalaro sa buong bansa.
Sa kanilang pagdating, agad silang nag-report at nagrehistro para sa kanilang official presence.
Bukod sa mga atleta, may mahigit 200 coaches at chaperones ang kasama ng delegasyon ng rehiyon upang siguruhin ang maayos na paggabay sa mga manlalaro.
Siniguro rin ng komite ang inspeksyon sa mga pasilidad at kalagayan ng mga delegado upang maiwasan ang aberya.