Mga kabombo! Naniniwala ka ba sa sirena?

Paano na lamang kung malaman mong maaaring totoo pala talaga ito?

Isang hindi pangkaraniwang nilalang kasi ang natagpuan umano sa may baybayin sa England.

--Ads--

Kung saan, may anyo itong kalansay ng tao at buntot ng isda.

Ang mga nakakita ay mag-asawang kinilalang sina Paula at Dave Regan.

Pagbahahagi nila, habang namamasyal sa may baybayin ng Margate, Kent ay natagpuan ang kakaibang uring ito.

Nang ipost sa social media, agad naman itong umani ng kakaibang mga opinyon, gaya na lamang ng kung ito nga ba ay tunay o isang art installation na gustong mag-viral sa internet.

Samantala, kinumpirma ng Thanet District Council na may mga opisyal nang nakatanggap ng ulat ukol sa misteryosong bagay, ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag tungkol dito.

Sa kabila ng kawalan ng konkretong sagot, patuloy pa ring kumakalat online ang mga larawan ng umano’y “skeleton mermaid” na nagiging sentro ng diskusyon sa iba’t ibang forums at social media websites.

Sa ngayon, nananatiling palaisipan kung ang nilalang na ito ay isang tunay na misteryo ng karagatan o simpleng panlilinlang lamang.