Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) , tumama ang lindol ng 1:05 ng umaga nitong Miyerkules, Enero 28.

May lalim ito ng 19 kilometro at ang sentro nito ay 55 kilometers ng south Kalamansig.

--Ads--

Naramdaman ang intensity 4 sa Lebak at Palimbang, Sultan Kudarat; habang intensity 3 naman ang naramdaman sa Norala, South Cotabato; Esperanza sa Sultan Kudarat.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa M’Lang at Pikit , Cotabato; Maitum, Malungon, Sarangani; Tantangan, City of Koronadal, Banga, Tupi, Surallah, Tampakan, and Santo Nino, South Cotabato; Isulan, Columbio, at Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Intensity 1 naman ang naramdaman sa Kadingilan, Bukidnon; Maasim, Alabel, Sarangan; at Zamboanga City.

Dahil dito nagsilikas ang ilang mga residenteng nakatira sa baybaying bahagi ng Brgy. Nalilidan, Kalamansig.

Batay sa mga ulat, nagpunta sa tinatawag na “kilometer 1” ng Brgy. Nalilidan ang mga lumikas na residente kung saan mas mataas at mas malawak umano ang lugar.

Patuloy na pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga residente kaugnay sa mga posible pang aftershock.