DAGUPAN CITY- Suporta para sa mga mangingisdang direktang tintamaan ng bagyo.
Ito ang panawagan ni Fernando Hicap, chairperson ng PAMALAKAYA, sa gobyerno dahil malaki ang naging epekto para sa mga mangingisda ang tuloy-tuloy na pagdaan ng bagyo sa bansa.
Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, nagkakaroon ng mga kaswalidad dahil patuloy nangingisda ang mga ito kahit pa man na may bagyo upang may makain lamang.
At kung hindi naman sila papalaot ay napipilitan silang mangutang para sa kanilang pamilya.
Kaya nananawagan si Hicap sa paghahanda ng ayuda para sa mga mangingisda kung magkakaroon ng pagbabawal sa pagpalaot.
Sa ngayon kase ay maituturing na patak ng ulan sa disyerto ang natatanggap nilang ayuda tuwing may sakuna.
Samantala, hinihiling naman ni Hicap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin na ang mga hindi nagagamit na pondo at ituon ang pagpapalaki ng budget sa agrikultural.
Sa pamamaraang ito ay matitiyak aniya ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino.