DAGUPAN CITY- Nabaon na umano sa limot ng Administrasyong Marcos ang ipinangako sa ika-unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga health workers sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dante Valdez, Vice President ng Unified Filipino Service Workers (UFSW), kaniyang ikinababahala na lalo pa itong lumalala at hindi man lang binigyan ng pondo para sa taon na ito.

Giit niya, makalipas ng tatlong taon ni Marcos, wala pang pagbabago sa pamumuhay ng mga health workers.

--Ads--

Hindi man siya tumututol sa pagtawag ng pangulo na pumasok sa bansa subalit, hinihikayat niya na bigyan prayoridad muna ang mga manggagawang Pilipino.

Saad pa niya, maganda man ang zero-balance billing na nabanggit ni Marcos sa ika-4 SONA nito subalit, nananatili pa rin hikahos ang kalagayan ng mga Health workers sa bansa.

Binigyan diin pa ni Valdez na ang ganitong kalagayan ang nagiging dahilan kung bakit pinipili na lamang ng mga health workers na mangibang bansa.

Samantala, hiling niya sa pamahalaan na pakinggan na ang kanilang iminumungkahing maipasa ang magna carta for Barangay Health Workers, Hazzard Pay law sa mga Private Hospitals, at ang pagpapatupad ng Comprehensive Nursing Law at CPD Law.