Dagupan City – Tinawag ni Dr. Sheila Marie A. Primicias, Schools Division Superintendent na ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas ay nasa National Emergency.
Aniya, sa nakaraan kasi nilang programang Bawat Bata, Bumabasa, mistulang naging hudyat na umano ito na nakakaalarma na ang kalagayan ng edukasyon sa bansa.
Sa ilalim ng programang ito, mayroon silang iba’t ibang paraan para sa mga bata depende sa kanilang kakayahan upang matutong bumasa.
Naniniwala rin si Primicias na nag-uumpisa ang pagkatuto ng isang bata sa pagbabasa upang matuto rin sila sa iba pang mga asignatura.
Kaugnay naman sa bagong curriculum ngayon, mahabang panahon pa aniya ang oobserbahan bago makita ang epekto o pagbabago sa kalagayan ng edukasyon.
Samantala, malaki naman ang kanyang tiwala sa mga officials sa Central Office sa mga aasahan nilang mangyayari sa bagong curricumlum.
Dahil katuwang ng mga ito ang superintendent at school officials, habang asahan din na susuportahan nila ang proyekto ng mga guro na may mga nais iparating o may mga mungkahi ukol sa MATATAG CURRICULUM.