Nakakaranas ngayon ng kakulangan sa supply ng manok sa ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa ulat, naglalaro sa P170 ang presyo ng kada kilo mula sa dating presyo na P150 hanggang P160.
Ayon sa mga tindera sa bayan ng Mangaldan, kailangan pa nilang kumuha ng supply ng manok sa lalawigan ng Tarlac dahil hindi sapat ang supply ng manok sa Pangasinan.
--Ads--
Dahil sa pagtaas ng presyo ay matumal ang bentahan ngayon ng karne ng manok.
Pero ayon sa Provincial Veterinary Office , walang kakulangan ng supply ng manok sa Pangasinan.
Iniimbestigahan na ng tanggapan kung may mga trader na sangkot sa hoarding.