Maigting ang ginagawang pagbibigay solusyon Pangasinan Irrigation Management Office para matugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig sa mga taniman sa probinsya lalo na at nasa mababang lebel ng tubig ang San Roque dam.

Ayon kay Gaudencio De Vera, ang manager ng Pangasinan Irrigation Management Office, kanila nang ginagawan ng paraan ang malaking problemang ito nang mga magsasaka lalo na’t karamihan umano sa mga ito ay nakapagtanim na ng kanilang palay.

Sa kanilang datos, sa higit 34,000 nang magsasaka sa lalawigan, nasa higit 15,000 na ang nakapagtanim ng kanilang mga palay o katumbas ng 50 percent.

--Ads--

Kaya naman upang hindi masayang ang kanilang mga naitanim nang mga palay ay sinisikap nila gumawa ng alternatibong paraan upang magkaroon ng pansamantalang source ng tubig ang mga magsasaka kung saan gumagamit sila ng mga water pumps upang magbigay ng pansamantalang patubig para rito.

Gaudencio De Vera, Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office

Sa ngayon ay pansamantala munang itinigil ng San Roque dam ang kanilang operasyon upang makapag-ipon ng tubig upang madagdagan ang lebel ng tubig sa nabanggit na dam.