Inilahad ng kontratista ng Sto. Tomas-Villasis Bridge ang mga hamon sa pagpapatupad ng proyekto, lalo na sa ‘tingi-tinging pondo’ na nagtagal ng walong taon, kasabay ng pagbisita ni Sec. Vince Dizon kamakailan.

Ayon kay Engr. Lualhati, mahirap bawasan ang mga empleyado dahil sa limitadong pondo, kaya naapektuhan ang operasyon.

Ibinahagi rin niya ang pitong buwang kawalan ng koleksyon ng pondo mula sa gobyerno na nagpahirap sa cash flow ng kumpanya.

--Ads--

Sa kabila nito, naniniwala siyang matatapos ang proyekto sa takdang deadline na Disyembre 2027, dahil sa buong pondong ilalaan upang mapabilis ang pagtatapos at magamit ng mga residente ng Pangasinan.

Binigyang-diin ni Sto. Tomas Mayor Dickerson Villar ang kahalagahan ng tulay na malapit sa kanilang bayan bilang susi sa progreso.

Matagal na itong inaasam, at umaasa siyang mapapansin ni Secretary Vince Dizon para mapabilis ang pagtatapos.

Layunin nitong mapabuti ang koneksyon ng bayan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan at mapagaan ang buhay ng mga residente.

Dagdag pa niya, sagot ito sa matagal nang problema sa trapiko at kawalan ng diretsong daan.

Umaasa siyang sa tulong ng tulay, mas mapapabilis ang pag-unlad ng Sto. Tomas lalo na sa access sa kalsada para sa kalakalan.