Ibinahagi ng tinanghal na Miss Aqua Queen of the Universe 2025 ang naging kakaibang karanasan nito sa underwater competition.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Abigail Cajegas na tubong bayan ng Dasol sa lalawigan ng Pangasinan, ang Aqua Queen pageant 2025 na ginanap sa Moalboal, Cebu ay isang unique underwater competition na kumikilala sa mga kababaihan na maitaas ang kamalayan para sa pangangalaga sa marine biodiversity at sustainability para sa karagatan.
Aniya, sa nasabing competition, isinagawa ang screening sa mga kalahok kung saan bawat kalahok ay nagpasa ng 3 minutes na advocacy videos na na nasa ilalim ng dagat na nagpapakita ng pagkakaroon ng kamalayan upang maprotektahan ang likas na yamang dagat
Bilang preparasyon, bawat kalahok para makasali ay kailangang makapagdive ng 5-10 meters, physically fit and mentally ready.
Saad nito na lumaki siya sa tabing dagat kaya naman napamahal na ito sa dagat hanggang sa natutunan niyang mag explore sa ilalim nito.
Hindi ito unang competition na nilahukan ni Cajegas dahil sumali na rin siya sa Miss Philippines Earth noong 2024 kung saan ay inipresinta ang bayan ng Dasol at Miss Universe Quezon city.
Samantala, nagpasalamat naman siya sa mainit na pagbati at suportsa kanya ng lokal na pamahalaan ng Dasol.