Mga kabombo! Ano ang mararamdaman mo sa isang soup na may tapioca pearls?

Hindi ba’t kadalasan lamang itong hinahalo kapag umiinom ng milktea. Subalit paano na lamang kung matatagpuan ito sa isang kakaibang dish?

Ito ay matapos naging controversial at nag-viral ang bagong dish ng Yu Tang, isang Vietnamese restaurant, na kumbinasyon ng milk tea, tapioca pearls, thick noodles, at hiniwang cooked beef.

--Ads--

Kung saan tinawag ng restaurant ang bagong dish na bubble tea beef noodles.

Batay sa advertising nito, mayroon itong unique combination na maaari lang matikman sa Yu Tang sa Hanoi.

Ang mga kakaibang kumbinasyon at agresibong marketing campaign ng restaurant ay nagkaroon ng positibong resulta kung ang pagbabatayan ay kung paano nito nakuha ang atensyon ng publiko.

Marami namang food content creators ang sinubukan na ito at sa kabila ng mixed reviews, ang bubble tea beef noodles ay naging usap-usapan sa Vietnamese social media. Syempre hindi din mawawala ang 20 percent discount kung mag-o-order online.

Ang mga sangkap ng bubble tea beef noodles ay binubuo ng mix of vegetable broth, black tea and fresh milk served with noodles, tapioca pearls, at ng signature corned beef ng restaurant.

Batay sa isang talakayan online matapos itong i-launch, isinalarawan ng mga nakatikim na ng bubble tea beef noodles ang lasa nito na bizarre.

Subalit maraming netizens ang nagpahayag ng pagdadalawang-isip kung titikman ang bubble tea beef noodles sa pangamba na masira ang kanilang tiyan dahil sa weird na kumbinasyon ng ingredients.

Habang may nagbiro pa na dapat ay maraming comfort room ang restaurant sakaling sumama ang tiyan ng mga customers.

May tiwala naman ang iba sa magandang reputasyon ng restaurant kaya willing silang subukan ang bagong dish.