Dismayado rin ang sektor ng transportasyon sa mga naging pahayag sa unang State of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong ” Marcos Jr.
Ayon Mody Floranda, Presidente ng PISTON, sa dinami dami ng sinabi ni Pangulong Marcos ay hindi niya binanggit ang kalagayan ng public transport sa bansa.
Wala aniyang malinaw na konkretong plano ang pangulo at sila ay nababahala kung ano ang magiging kahihinatnan sa kahilingan ng transport sektor.
Hindi nabanggit ni Marcos kung ano ang gagawin sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Malinaw umano na ang kanyang tuon ay susundan lamang ang mga programa ng Duterte administrasyon na mga build build build program.
Nakakaalarma aniya na hindi kasama ang sektor ng public transport sa mga inilatag na programa ni Marcos sa loob ng anim na taon.
Samantala, sinabi ni Floranda na sila ay maglalatag ng transport agenda at ihahain sa senado at kongreso para mapa usapan muli ang mga programa na nais nilang ipabasura .