BOMBO DAGUPAN – Mahalaga ang papel ng midya sa pagpapalakas ng kamlayan sa publiko lalo na sa pagsisiwalat ng tamang impormasyon para sa kalusugan ng bawat mamamayan.

Sa isinagawang kumperensiya ng Department of Health napuno ng kaalaman ang ilang mga National at Lokal media outlet mula sa Region 1, 2, at 3 na dumalo sa 4 na araw na Media Conference on Health Literacy sa lungsod ng Baguio.

Ayon kay Maylene Beltran Assistant Secretary, Department of Health na ang nasabing kumperensiya ay magpapalakas sa tamang pagbahagi ng impormasyon sa mga sakit na kailangan malaman ng mga tao upang magkaroon ng Healthy Choices at mabuhay sa maayos na kalusugan.

--Ads--

Aniya na bahagi ito ng taunang kaganapan ng ahensya sa mga napapanahong usapin patungkol sa mga dapat malaman ng publiko sa mga usaping kanilang inoorganisa kaugnay sa Media Health Literacy.

Panawagan naman nito sa publiko na ugaliing makinig sa tamang impormasyon patungkol sa kalusugan upang magkaroon ng kamalayan sa pag-iwas sa mga sakit at mga paraan upang maging malusog na mamamayan.