Dagupan City – Bukas sa pagbibigay ng suporta ang Cooperative Development Authority (CDA) sa mga brgy. lalong lalo na ang mga kabilang na sa kooperatiba.
Ayon kay Van Ian Enriquez – Sr. Cooperative Devoplemnt Specialist, Cooperative Research, Information and Training Section ng CDA, namimigay sila ng libreng training partikular na sa mga micro cooperatives.
Kung saan, sila na rin ang namamahala kung paano nila isasagawa ang mga pagsasanay sa tulong, habang naniniwala sila na maging ang mga kooperatiba na matatagpuan sa mga brgy. ay may malaking tulong sa pagbabago dahil bukod sa pang ekonomiyang benepisyo na mukuha rito, makikinabang din sila sa Cooperative Development Fund.
Kinakailangan lamang nilang lumahok sa mga programang pang brgy. Patunay lamang ito na sila ang nagpapalago ng negosyo sakanilang brgy. habang nakikita na nila na magandang akayin ang mga malilit na kooperatiba dahil hindi pa nila kabisado ang pamamalakad nito. (Nerissa Ventura)