Dagupan City – Binigyang diin ng Local Disaster risk reduction Management Office Basista ang kahalagahan ng Evacuation plan sa mga pagtitipon.
Ayon kay Josephine Robillos, MDRRM officer ng bayan at Presidente ng Pangasinan Association local disaster risk reduction management Office o PALDRRMO, kinakailangan kasi ito sa mga sakuna at kalamidad na nangyayari sa iba’t ibang mga bansa at lugar.
Dahil dito, nanawagan ito sa kanyang mga kapwa responder na bukod sa mga sakuna at kalamidad ay dapat aktibo rin sa sila sa kahit anumang events na nangyayari sa lugar.
--Ads--
Layunin kasi nito na maiwasan ang anumang insidente gaya na lamang ng stampede na nangyayari sa ibang bansa sa tuwing mayroong mga pagtitipon o lindol.