Ipinunto ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III ang kahalagahan ng ke-kalidad na impormasyon sa mga mamamayan sa lalawigan kung saan maaari umano nitong mapagsama-sama ang bawat layunin ng mga sektor.
Aniya, ang lahat ng ginawagang hakbang ng opisina ay hindi para sa kanino man kundi para sa mga mamamayan ng Pangasinan.
Dagdag nito, sa kabila ng mga kinahaharap na pasanin at isyu sa bansa, nakahanda ang opisina sa mga kailangan ng mamamayan.
Itinuturing niya ito bilang “real news”, at pinaalalahanan ang bawat isa na huwag maniwala sa mga kumakalat na fake news o disinformation.
Inihayag din ng gobernador na ang bawat isa ay mayroong magagawa basta’t mayroong adhikain at goal na gustong makamit.
Sa ngayon aniya ay namamayagpag ang probinsiya pagdating sa salt industry kung saan malaking tulong ito upang mapalago ang ekonomiya sa maraming kaparaanan.
Tuloy-tuloy din aniya ang mga proyekto sa lalawigan na may layuning tumulong sa mga Pangasinense sa oras ng pangangailangan.
Isa sa mga nasabing proyekto ay ang libreng konsultang naglalayong paginhawain ang pasanin ng bawat isa.