Humigit-dumoble sa nakaraang dalawang taon ang bilang ng mga pilipinong nagugutom sa bansa sa kabila ng lumalalang kahirapan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Africa Executive Director, Ibon Foundation pito’t kalahating pamilya ang nagugutom noong buwan ng Marso ngayong taon bunsod na rin ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Dahil dito ay hindi abot-kaya para sa lahat ang mga pagkain sa merkado at kahit bumaba ang inflation ay hindi naman ito nangangahulugan na bumaba ang presyo ng pagkain.

--Ads--

Isa ring dahilan ay ang kakulangan ng trabaho sa bansa gayundin ang pag-angkat at pagbebenta ng bigas ng hindi pinapalakas ang lokal na produksiyon.

Samantala, sa nalalapit naman na halalan ay talamak parin ang vote buying sa bansa kaya’t mainam na ang iboto ay ang totoong may puso at sinsero para sa mga mahihirap.

Dahil aniya ang mga kasalukuyang nakaupo ngayon sa senado ang wala sa kanila ay puso dahil hindi sila galing sa kahirapan kaya’t hindi sila makakasimpatya sa kalagayan ng marami.