Dagupan City – Ipinaliwanag ng isang Political Analyst ang kagustuhan ni Vice President Sara Duterte na ‘bloodbath’ sa kaniyang magiging impeachment trial.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi nito na maituturing umanong figures of speech na hyperbole lamang ito na karaniwang nakasanayang gamitin ng mga Duterte dahil matatandaan na ganoon din kung magbitiw ng salita ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, iisa rin naman aniya ang malinaw at ito ay ang pagiging handa ng bise na gamitin ang impeachment trial bilang pagkakataon na political theater at partisan.

--Ads--

Nauna na rin nilinaw ni Yusingco na hindi pwedeng hindi matuloy ang impeachment na inihahain na sa bise dahil aandar na ito.

Kung saan nasa tinatayang 9 naman rito ay kaalyado na susuporta sa kaniya, at malinaw rin na hindi sila mahihiya na kahit sila ay senator judges at makikita pa rin ang pagbibigay ng suporta kay Sara.

Samantala, kahit kumpiyansa naman aniya si Atty. Chel Diokno at Mamamayang Liberal party-list first nominee Leila de Lima na may mailalatag silang patunay sa kinakaharap ng bise, hindi pa rin ito nangangahulugan aniya na papaburan na ito ng mga 24 apat na senator judges.

Pagbabahagi pa ni Yusingco, mahaba ang impeachment trial dahil maaaring umabot ito sa 5 buwan kaya panigurado na matetengga rin ang mga trabaho ng mga mambabatas na gumawa ng batas dahil mayroon silang irarason sa publiko.

Binigyang diin naman ni Yusingco na sa kabila ng lahat umaasa ito na magkakaroon ng criminal case dahil ang kinakaharap nito ay plunder kaya’t kinakailangan na magkaroon ng criminal accountability.