Maituturing na ‘pasado’ ang naging kabuuang pamumuno ng Duterte adminstration sa bansang Pilipinas,

Ito ang pananaw ng political analyst na si Atty. Michael Henry Yusingco na aniya’y ‘unfair’ kung sasabihing naging masama ang iiwang legasiya ng outgoing president.

Aniya, na ang lahat ng mga presidential terms ay komplikado dahil sa anim na taon nilang pagbibigay serbisyo sa publiko.

--Ads--

Marami rin umanong magagandang mga programa ang ipinatupad nito tulad namang ng mga proyektong may kinalaman sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Ilan sa mga ito ay ang Create law na nagpapakilala ng mga reporma sa corporate income tax at mga incentives system at ang Bayanihan law na siya namang naging tugon ng gobyerno laban sa kinakaharap na pandemya.

TINIG NI ATTY. MICHAEL HENRY YUSINGCO

Dagdag nito, na maraming mga maililistang positibong mga nagawa nito at gayundin sa mga kakulangan nito sa kaniyang pamumuno.

Bagama’t may mga nagsasaad na nahuhuli ang bansang Pilipinas, hindi naman nalugmok ang mga Pilipino at naging maayos naman umano ang pagprotekta nito sa kung ano ang mayroon ang ating bansa lalo na sa aspeto ng ekonomiya.

Sa huli aniya, ay mas maiging pagtuunan nating mga Pilipino ng pansin ang mga bagay na pwedeng mapabuti sa kinakaharap ng ating bansa.

Samantala sinabi naman nitong mas mainam na ipaubaya na lamang sa justice system kung may mga nilabag ba ang presidente sa naging pamumuno nito patrikular na sa isyu ng war on drugs.