Naging matagumpay ang kabuuang kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Hannah Galvez, ang Team Leader for Press Operations ng Tokyo Olympics sa naging performance ng mga Filipino olympians sa kani-kanilang sports.

Ayon kay Galvez, isang makasaysayan ang nakamit na bilang ng medalya ng ating mga atleta kabilang na rito ang kauna-unahang ginto na nasungkit na Hidilyn Diaz.

--Ads--

Aniya, isang karangalan din bilang isang volunteer sa Olympics ang pagkakasaksi sa pagtaas ng watawat ng Pilipinas at national anthem sa Olympic stage at makausap ang ilang mga Filipino athletes pagkatapos ng kanilang laro.

Bombo International Correspondent Hannah Galvez

Matatandaang ginanap ang virtual closing ceremony ng Tokyo Olympics naging sentro din dito ang pagpapasa ng olympic flag sa Paris, France na susunod na host ng summer olympics 2024.