BOMBO DAGUPAN- Maliban sa mga atleta at bumubuo ng 2024 Paris Olympics, abala din ang mga volunteers upang matiyak ang matagumpay na mga events.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Meggie Mañago, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, may kabuoang umaabot sa 45,000 volunteers ang nagtutulong-tulongan upang mabigay ang magandang experiece sa mga manonood at sa matagumpay na mga palaro.

Aniya,nakatakdang magtapos ang Olympics sa Agosto 11 kung kailan gaganapin ang closing ceremony.

--Ads--

Katulad ng opening, kaabang abang din aniya ang isasagawang pagtatapos subalit sa closed venue ito gaganapin kung saan ang mga bumili lamang ng tickets ang makakapanood.

Ipapasilip din sa seremonya ang susunod na Summer Olympics sa papamagitan ng pasabog na performance ng isang American Actor.

Maituturing aniya na matagumpay ang kabuoang Paris Olympics dahil hanggang sa kasalukuyan ay walang naitatalang insidente.

Dinagsa man ng mga turista ang iba’t ibanfg tourist spots sa Paris subalit wala aniyang naitalang hindi inaasahan.

Kaugnay nito, nagdeploy din kase aniya ng maraming police forces na siyang labis na nakatulong upang makaiwas sa anumang insidente.

Dagdag pa ni Mañago, sa pagtatapos ng Summer Olympics, nakatakda naman gaganapin ang Palaympics sa mga susunod na linggo kung saan maglalaro din sa iba’t ibang sports events ang mga world class athletes na may disabilities.