Dagupan City – Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan sa Binmaley na higit pang mapaghusayan ang kanilang paghahanda para sa Civil Service Examination sa pamamagitan ng isang libreng review program na inilunsad ng Binmaley Local Youth Development Office (LYDO) katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation.

Layunin ng programa na mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga aspiring public servants upang mapalawak ang kanilang kakayahan sa pagkuha ng Civil Service Examination.

Sa pamamagitan ng libreng review, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong balikan ang mahahalagang paksa at mas maging handa sa pagsusulit.

--Ads--

Ayon sa mga tagapagpatupad, bahagi ang inisyatibang ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang kakayahan ng kabataan at ihanda sila sa mga oportunidad sa serbisyo publiko.

Inaasahan ding magsisilbing inspirasyon ang programa upang mas maraming kabataan ang magsikap na maging kuwalipikado sa pagtatrabaho sa pamahalaan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng Binmaley LYDO at SK Federation ang pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng kabataan, bilang paghahanda sa kanilang magiging papel sa paglilingkod at pag-unlad ng komunidad.