Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Basista ang mga kabataang edad 15 hanggang 30 taong gulang na makilahok sa Kabataan Run, ang opisyal na kick-off activity ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, na gaganapin sa Agosto 1 sa Municipal Gymnasium.
Magsisimula ang assembly ng mga kalahok sa ganap na alas-7:00 ng umaga. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataan na pangalagaan ang kanilang kalusugan, palakasin ang pagkakaisa, at aktibong makibahagi sa mga programang nakatuon sa kanilang kapakanan at pag-unlad. Libre ang pagpaparehistro para sa lahat ng kwalipikadong kabataan.
Pinapayuhan ang mga lalahok na magdala ng sariling tumbler upang manatiling hydrated, magsuot ng shades o sunglasses, at puting T-shirt upang mas maging kapansin-pansin ang makukulay na powder na gagamitin sa fun run bilang bahagi ng pagdiriwang.
Sa pamamagitan ng Kabataan Run, inaasahang magiging makulay at masigla ang pagsisimula ng Linggo ng Kabataan 2026 sa Basista habang patuloy na hinihikayat ang mga kabataan na maging aktibo sa mga gawaing nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at positibong pakikilahok sa komunidad.










