Kadalasang mga babae at mga kabataan ang nagkakaroon ng scoliosis o pagkurba ng spinal cord.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. John Michael Mendoza, Rehabilitation Medicine Specialist ng Ilocos Training and Regional Medical Center, tinukoy nito ang mga sintomas ng scoliosis kabilang ang hindi pantay na balikat, nakausli ang isang panig ng shoulder blade at hindi pantay na balakang.

Ayon kay Mendoza, maaaring namamana ang nasabing sakit ngunit hindi nila alam kung ano ang sanhi nito.

--Ads--

Aniya, kung mild lamang ang pagkurba, wala halos nararamdamang discomfort ang pasyente. Subalit kund nagiging malala ito ay nakakaranas ang pasyente ng problema sa paghinga, puso, at pangingirot na maaaring dulot ng pagkaipit ng nerves.

Kung moderate naman ang pagkurba, ang pasyente ay mangangailangang gumamit ng Milwaukee brace. Ang brace na ito ay yari sa plastic na may bahaging bakal at straps na leather na ginagamit mula sa leeg hanggang sa dakong balakang at isunusuot sa loob ng 23 oras sa maghapon. Kasabay nang paggamit nito ay ang mga ehersisyo para sa spinal at abdominal muscles.

voice of Dr. John Michael Mendoza

Kung severe ang curvature, kailangang gawin ang operasyon. Dito, naglalagay ng rod sa loob ng spine para ma-stabilize ang spine. Pagkatapos ng operasyon, naglalagay ng cast na parang jacket sa taas na bahagi ng katawan sa loob ng 6 na buwan.