DAGUPAN CITY- Mahigpit na ipinapatupad ng Alaminos City PNP ang seguridad dahil sa pagbubukas ng Christmas Village sa kanilang lungsod.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant (PEMS) Gerald Mamanta, CHief Investigator ng Alaminos PNP, na inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga magtutungong bisita sa kanilang syudad upang masaksihan at panoorin ang mga inihandang iba’t ibang dekorasyon.

Katulad na lamang sa mga masasaksihan ay ang Christmas village na matatagpuan sa business district sa lugar, kaya sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga residente at ang mga bisita sa pamamagitan ng kanilang pinaigting na pagbabantay.

--Ads--

Dagdag pa anya na katuwang din ang iba pang mga otoridad upang magbantay at magpanatili ng kaayusan at kapayapaan habang papalapit ang kapaskuhan dahil bukod sa Christmas village ay tuloy tuloy din ang mga aktibidad na inihanda ng Lokal na pamahalaan ng lungsod.

Isa rin sa kanilang tinututukan ngayon ay ang mga pampublikong lugar na madalas puntahan ng mga tao sa syudad.

Pagpapaalala naman nito sa publiko ang pakikiisa sa mga ginagawang safety measures ng mga otoridad upang hindi rin magkaroon ng aberya.