Gagamitin umano ang mga sniffing dogs na ipinahiram sa Provincial Veterinary office ng Tarlac upang makatulong sa retrieval operations para sa patuloy na paghahanap kay Harvey Collado, isa sa mga biktima ng pagguho ng Agana bridge noong Agosto.
Ayon kay Provincial Information officer ng lalawigan ng Tarlac na si Arvin Cabalu, boluntaryong ipinahiram sa Veterinary Office ang mga K9 units upang tumulong sa operasyon. Gayunman, naka-standby pa ang mga ito at hindi maaaring dalhin sa malayong lugar, kaya manwal muna ang pangunahing paraan ng paghahanap. Patuloy din ang joordinasyon ng pamahalaang panlalawigan sa mga bayang dinadaanan ng Tarlac river, partikular sa mga lugar na maaaring paglabasan nito patungo sa karagatan sa Pangasinan.
Mahalaga rin umano ang tulong ngArmed Forces of the Philippines, Philippine Air Force, at Philippine Coast Guard sa pagsuyod sa mga ilog na konektado sa Tarlac river. pahirapan pa rin ang retrieval operation dahil sa posibilidad na nasa malalim na bahagi ng ilog o natabunan na ng putik si Collado, habang patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig bunsod ng pag-ulan.
Samantala, naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Php 100,000 na pabuya sa mga makapagbibigay impormasyon sa kinaroroonan ni Collado, buhay man o katawan na lang.
Kasabay nito, muling binuksan ang Agana bridge alas-8 ng umaga nitong setyembre 23. nagdeploy din ng mga tauhan ng PNP at PDRRMO upang bantayan ang tulay at matiyak na hindi makalalampas ang mga sasakyang lagpas sa itinakdang 10 toneladang limit. Patuloy pa rin umano ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways sa nasabing tulay upang maiwasan na ang mga aberya.










