Dagupan City – Natagpuan ng isang tatlong taong gulang na bata sa bayan ng Bautista ang isang ahas sa loob ng kanilang kwarto.
Base sa mga eksperto ang nakitang ahas ay kinilala bilang mildly venomous na Juvenile o bata pa na isang Paradise Tree Snake o kilala sa kanyang scientific namane na (Chrysopelea Paradisi), isang uri ng ahas na kilala sa kakayahan nitong mag-glide o lumipad sa ere.
Kilala rin ito bilang “flying snake” o “gliding snake” dahil sa kanilang paraan ng paggalaw mula sa isang puno patungo sa isa pa dahil sa pamamagitan ng pagpatag ng kanilang katawan at pag-undol, nakakalipad sila nang paahon sa ere.
Bagama’t may kamandag, ang ahas na ito pero nangangahulugang hindi ito lubhang mapanganib sa tao sapagkat ang kamandag nito ay karaniwang epektibo lamang sa maliliit na hayop, at ang kagat nito sa tao ay maaaring magdulot lamang ng kaunting sakit o pamamaga at bihira ang seryosong epekto nito.
Hindi naman nasaktan o nakagat ang bata dahil hindi naman nito nahawakan ang nasabing ahas.
Samantala, paalala naman ng mga eksperto sa publiko na kung may makita muli ng ganitong klase ng ahas ay huwag agad basta-basta hawakan bagkus ipagbigay alam sa kinauukulan para sa tamang pagtutok.