‘Trying to fuel hate and division to America’ ito umano ang naging layunin ng mga dumalo sa protesta kahapon sa Capitol grounds ng Washington DC kung saan pinamagatan itong Justice for J6.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera na ang tunay na dahilan ng kanilang pagprotesta ay dahil sa magpasahanggang ngayon ay naniniwala sila na ang nanalo sa US election ay si dating US President Donald Trump.

Una rito ay sinabi naman ng mga organizers ng naturang rally na lookahead america group ay isa itong pag-alala sa halos 600 katao ang naaresto.

--Ads--
TINIG NI ATTY. ARNEDO VALERA

Dagdag din nito na nakapaghanda ang mga pulis kung saan ay ibinalik nila ang mga iron fencing at nanuna na rito ay itinalaga ang 100 pulis upang magstandby sa naturang lugar.

Mayroon ring naitalang naaresto dahil sa pagbibitibit ng kutsilyo at baril sa naturang protesta. Mas maayos naman umanong naisagawa ang protesta kung ikukumpara sa naging madugong rally noong Enero 6.