Tuluyan ng binawian ng buhay ang driver mismo ng sinasakyang land cruiser ni dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., nang tambangan ang mga ito sa lungsod ng San Carlos kahapon.
Sa isang text message, kinumpirma ni PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan sa Bombo Radyo Dagupan, ang pagpanaw nitong gabi lamang ni Agapito Cuison, ang driver ni Espino na nakapagtakbo pa sa kaniya sa ospital sa kabila ng natamo nitong tama ng bala.
Sa hiwalay namang social media post ng anak ni Espino na si 2nd District Cong. Jumel Espino, nagpasalamat ito sa mga dasal para sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang Ama subalit hiniling na mas ipagdasal ngayon ang pamilya naulila ng mga nasawing nagprotekta sa naktatandang Espino kasabay ng pasasalamat sa bagong buhay na naibigay sa kaniyang ama na habang buhay nitong magiging utang na loob. (MJKPO with reports from Bombo Cherryl Ann Cabrera)