Umani ngayon ng samo’t saring opinyon ang naging performance ng actress na si Julie Anne San Jose sa isang simbahang katoliko.

Ayon sa isang statement, dito ay inako umano ng aktress ang buong responsibilidad sa kontrobersiya dahilan para makaranas ng mga batikos ang singer-actress.

Bukod naman sa pag-ako ng actress sa kaniyang naging pagkukulang, humingi rin ng paumanhin ang pamunuan kay Julie at sa lahat ng mga miyembro ng Simbahang Katoliko na nainsulto sa pinag-uusapang viral video.

--Ads--

Ang issue ay hinggil umano sa naganap na concert si Julie Anne, kasama si Jessica Villarubin, na pinamagatang Heavenly Harmony Concert na ginanap sa loob mismo ng Nuestra Seรฑora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Hinusgahan at umani ng mga batikos si Julie Anne dahil sa viral video ng pagkanta niya ng “Dancing Queen” sa harap ng altar ng simbahan at sa kanyang kasuotang may mahabang slit.

Sa paningin ng karamihan, hindi ito akma sa pinagdausan ng fundraising event para sa pagpapagawa ng simbahan.