Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang Zumbrigada sa unang araw ng Brigada Eskuwela 2024 sa Judge Jose De Venicia Sr. Technical-Vocational Secondary School.
Ayon kay Tiffany Khristine Fermill, Head Teacher ng MAPEH Department at Focal Person Brigada Eskwela 2024 sa nasabing eskwelahan, layunin ng Zumbrigada na maehersisyo ang mga katawan ng mga boluntaryong tumulong bago maglinis at ayusin ang mga dapat gawin sa kanilang eskwelahan.
Aniya na inisyatiba ito ng kanilang School Head at ng Residente na isang Zumba Instructor na pinagtulungang maisakatuparan kasama ang mga guro na siyang paraan upang makapanghikayat pa ng maraming indibidwal na dadalo.
Nasa higit 100 naman ang dumalo sa brigada.
Samantala ayon naman kay Dr. Medarlo De leon, Principal IV ng nasabinnag Eskwelahan na kahit bumubuhos ang ulan ay bumubuhos din ang biyaya lalo na sa kanilang mga stakeholders sa Brigada Eskuwela 2024.
Aniya, inuna muna nila ang physical Fitness bago ang paglilinis sa mga silid-aralan at hindi naging hadlang ang ulan sa layuning maumpisahan na malinisan ang kanilang paaralan sa nalalapit na pasukan.
Ibinahagi naman nito ang pinakahighlight din na gagawin nila sa weeklong activity na ito ay ang Brigada Pagbasa at Brigada Pagkwenta upang matulungan pang mahasa ang mga estudyante sa ganitong larangan para handa na sila sa pasukan.