Patuloy lumalaban si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile matapos itong mapaulat na na-confine sa hindi pinangalanang pagamutan dahil sa pneumonia.

Ayon umano sa kaniyang anak, nananatiling buhay si Enrile subalit, maaari itong mamayapa sa anumang oras.

Nauna na rito nang sinabihan ni Sen. Jinggoy Estrada ang kaniyang mga kasamahan na dinala umano si Enrile sa isang intensive care unit dahil sa nasabing sakit.

--Ads--

Ani Estrada, batay sa source nito, mababa lamang ang tsansa ni Enrile na makaligtas pa.