Dagupan City – Mga kabombo! Mapapanood na sa mga sinehan ang tambalang JoshLia nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Dahil dito, usap-usapan ang kanilang loveteam online.

Ayon sa ulat, sinisiguro ng dating magkasintahan na makare-relate ang mga mano­nood ng kanilang bagong proyekto.

--Ads--

Si Julia at Joshua ay nagkahiwalay bilang magkasintahan noong 2019. At ngayon ay may kaniya-kaniya na ring partners.

Si Julia ay masaya na sa higit tatlong taong relasyon nila ni Gerald Anderson. Habang si Joshua naman ay iniuugnay sa kaniyang French Filipina Athlete na si Emilienne Vigier.

Ayon sa dalawa, naging maayos naman ang shooting ng pelikula na tumakbo ang istorya tungkol sa dating magkasintahan.