Pinabulaanan ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at partner niyang tech millionaire/British national/philanthropist na si Jonathan Sterling ang intrigang naghiwalay sila dahil sa isyung third party.
Sa Instagram Story ni Celeste ay nag-upload siya ng collage ng mga larawan nila ng partner na si Jonathan.
Wala inilagay na caption si Celeste, pero makikita sa mga larawan ang lambingan ng dalawa.
Ni-repost naman ito ni Jonathan sa kanyang Instagram Story makalipas ang isang oras.
Dito idineklara ng negosyante ang pagmamahal para sa beauty queen-partner.
Caption ni Jonathan patungkol kay Celeste: “The love of my life. Don’t let her know, it’ll go to her head.”
Maraming netizens ang nagulat matapos maiulat sa isang news site na diumano ay hiwalay na sila dahil sa isang third party kung saan tinukoy si Bb. Pilipinas Universe 2009 Bianca Manalo.
Kaagad naman itong itinanggi ng kampo ng actress.
Kamakailan ay naglabas ng pahayag ang talent management na may hawak sa karera ni Bianca, nawalang katotohanang sangkot si Bianca sa diumano’y hiwalayan nina Celeste at Jonathan.
Kasunod nito ay sinabi naman ni Celeste na all is well sa pagitan nila ni Jonathan.
Umapela rin siya na itigil na ang intriga sa kanya lalo pa’t siya ay nagdadalantao.
Nilakipan pa niya ito ng litrato nila ni Jonathan na nag-thumbs-up pose pa sa camera.










