Dagupan City – Nagsagawa ng Joint program and extension program ang College of Criminal Justice Education ng isang Unibersidad sa lungsod ng Dagupan.

Ang inisyatibang ito ay may kaugnayan sa selebrasyon ng Crime Prevention month ngayong taon.

Ayon kay Erilyn Loresco, Governor ng College of Criminal Justice Education Student Council, kinabibilangan ng inisyatibang ito ang mga aktibidad ng case studies at group exercises.

--Ads--

Kung saan ay nilahukan ng nasa 50 mga mag-aaral mula sa Senior High School ng Dagupan City National High School.

Ang aktibidad na ito ay may temang pito laban sa abuso sa ilalim ng RA 11313 (safe space act) at Women and children protection Desk ng RA 9262 (anti-violence against child women and children act).

Katuwang naman ng mga ito ang hanay ng kapulisan sa Dagupan, mula na rin sa proyekto ng PNP at inaddapt ng kanilang council dahil sa madalas na krimen na nangyayari ngayon sa bansa.

Mensahe naman nito sa publiko, bilang isang indibidwal ay dapat alam mo kung ano ang iyong karapatan at alamin ang layunin tungkol sa ilang mga bagay pa na pwede nating ibahagi bilang isang estudyante at lider.