Dagupan City – sinagawa ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang City Joint Peace and Security Coordinating Committee (JPSCC) Meeting sa Buklod Diwa Hall, DCPO Headquarters, ABF West, Poblacion Oeste, Dagupan City.
Pinangunahan ni PCOL Arnold P. Solomon, City Director ng DCPO, ang pagpupulong na dinaluhan ng mga miyembro ng Command Group at City Staff, gayundin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensyang katuwang sa pagpapanatili ng seguridad at pagtugon sa mga emerhensiya.
Kabilang sa mga dumalo sina 1LT Datu Sammer K. Karon (INF) PA, Operations Officer ng 71st Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng Philippine Army; LTJG Kristan N. Dacumos, Deputy Station Commander ng Philippine Coast Guard–Pangasinan Station; PLTCOL Leo S. Llamas, Assistant Chief ng Regional Maritime Unit 1; at SFO2 Henry S. Datuin, Chief Operations Officer ng Bureau of Fire Protection–Dagupan.
Tinalakay sa pulong ang mahahalagang usapin kaugnay ng peace and order situation sa lungsod, mga taktikal na konsepto para sa magkasanib na operasyon, at mga strategic briefing na naglalayong mapahusay ang kahandaan at koordinasyon ng mga katuwang na ahensya.
Natapos ang pagpupulong sa parehong araw na may pagtutok sa pagpapalakas ng inter-agency coordination at pagtutulungan ng mga law enforcement, security, at emergency response agencies.
Layunin ng naturang koordinasyon na higit na mapalakas ang mga mekanismo para sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan, at seguridad ng mga residente at komunidad sa buong Dagupan City.










