Kinoronahan si Joheirry Mola ng Dominican Republic bilang Miss World 2026 matapos ang matagumpay na pagtatapos ng prestihiyosong beauty pageant sa Nha Trang, Khánh Hòa, Vietnam nitong Sabado.
Nagtapos bilang second runner-up o ikatlong puwesto ang kinatawan ng Malaysia, habang nasungkit naman ng Spain ang ikalawang puwesto sa kompetisyon.
Samantala, nagtapos sa Top 12 ang pambato ng Pilipinas na si Asia Rose Simpson matapos hindi makapasok sa Top 6 ng Miss World 2026.
Naging kapansin-pansin ang performance ng Filipino-American beauty queen sa kompetisyon.
Bago ang coronation night, nagwagi si Simpson sa Head-to-Head Challenge, isang mahalagang bahagi ng kompetisyon na nagbigay sa kanya ng pagkakataong ipakita ang kanyang husay sa pagsagot, pakikipagkomunikasyon at pagtataguyod ng kanyang adbokasiya.
Sa kabila ng hindi pag-abot sa Top 6, maituturing na matagumpay ang naging kampanya ni Simpson matapos niyang makapasok sa Top 12 ng isa sa pinakamalalaking international beauty pageants.










