DAGUPAN CITY- Hindi pa tiyak na magdudulot ang monthly job fairs na isinusulong ng Administrasyong Marcos Jr. ng pagtaas sa bilang ng mga magkakaroon ng trabaho sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Elmer Labog, Chairman ng Kilusang Mayo Uno, tila may kulang pa sa pangunahing kaalaman dahil may kawalan pa ng kabuhayan sa mga probinsya dulot ng atrasadong progreso ng agrikultura.
Aniya, nakakaapekto rin kase sa lokal na produksyon ang banta ng patuloy na pag-import ng bansa sa produktong pang-agrikultura.
Maliban pa riyan, kung makikipagsapalaran naman sa Maynila ay mababa rin naman ang sinasahod.
Malaking papel man ang gagampapan ng pribadong sektor para sa paggawa ng mga trabaho subalit kinakailangan din naman ang ‘accountability’ ng gobyerno.
Giit ni Labog, magkakaroon lamang ng ‘quality and generation of work’ kung may ayudang maipapamahagi ang gobyerno.
Marami aniyang mga manggagawa ang nakadepende sa sahod para masabing nakabubuhay ang kanilang kinikita.
Samantala, ikinatuwa naman ni Labog ang pag-apruba sa Committee Hearing ng Labor and Employment ng P200 wage hike across the board nationwide.
Gayunpaman, hindi pa rin ito supisyente dahil dapat mas gawin basehan ang ‘family-living wage’ na kalidad ng sahod.