Dagupan City – Isinagawa ng Provincial Government of Pangasinan, sa pamamagitan ng Provincial Employment and Services Office (PESO), ang isang malawakang Job Fair sa bayan ng Binalonan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng serbisyo para sa mga naghahanap ng trabaho sa lalawigan.
Sa pamumuno ni Ramon V. Guico III, layunin ng programa na mabigyan ng direktang access ang mga Pangasinense sa libu-libong job vacancies mula sa iba’t ibang kumpanya, kapwa lokal at international.
Kabilang sa mga iniaalok na trabaho ang mga posisyon sa sektor ng manufacturing, retail, hospitality, construction, healthcare, at iba pang industriya na may pangangailangan sa mga kwalipikadong aplikante.
Bahagi ang nasabing Job Fair ng mas pinalawak na programa ng pamahalaang panlalawigan na naglalayong mapababa ang antas ng kawalan ng trabaho at mapalakas ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa hanapbuhay.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng lalawigan sa iba’t ibang kumpanya at recruitment agencies upang masigurong tuluy-tuloy ang pagbubukas ng trabaho para sa mga residente ng Pangasinan.









