Nagsagawa ng isang media meet and greet ang JKQ Medical and Wellness Center kamakailan, bilang bahagi ng kanilang layunin na mas mapalapit sa publiko ang kanilang mga programa at serbisyong medikal.
Sa naging pahayag ni Atty. Arnel Glorioso, ang Hospital Administrator ng nasabing pasilidad, inilahad niya ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng ospital at ng komunidad.
Aniya, isa ito sa mga hakbang upang “mas mailapit sa kanilang mga kababayan ang kalidad na serbisyong medikal nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa ibang lugar.”
Dagdag pa nito, layunin ng kanilang inisyatibo na gawing accessible ang serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Isa sa kanilang mga pangunahing layunin ay ang pagbibigay ng full patient care, katuwang ang mahusay na operasyon ng ospital na sumusunod sa pinakamataas na pamantayan ng healthcare quality.
Kabilang sa mga nauna na nilang hakbang ay ang pagsasagawa ng health forums sa iba’t ibang bahagi ng komunidad, upang magbigay kaalaman at konsultasyon sa publiko.
Isinasaayos na rin ng pamunuan ang kanilang strategic planning para masiguro ang epektibo at tuloy-tuloy na serbisyo, habang pinaiigting pa ang partisipasyon ng komunidad sa kanilang mga programa.
Umaasa naman ang pamunuan ng JKQ Medical and Wellness Center na magiging daan ito upang mas mailapit ang kanilang serbisyo sa bawat pamilya, at mas mailapit ang kalidad na pangangalaga sa kalusugan sa abot-kayang paraan.