BOMBO DAGUPAN – Nagulat ang mga namamasyal sa National Museum sa Manila nang mamataan nilang magkasama sa lugar sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.

Terno ang suot nila. Naka-cropped sleeveless white top si Janine habang naka-white button-down shirt naman si Jericho.

May escort silang security guard ng lugar, at may waring tour guides ding sumama sa kanilang paglilibot sa museum.

Hindi kaila sa publiko na co-stars sina Janine at Jericho sa upcoming prime-time series isang tv network.

--Ads--

Naniniwala naman ang ibang netizens,na posibleng bahagi raw ito ng promo ng show o isang paraan ng bonding session para sa proyekto.

Namataan na rin kasing magkasama ang dalawa sa isang mall noong Hunyo.

Komento naman ng iba, sakaling nagde-date sina Jericho at Janine ay posible naman.

Si Jericho ay hiwalay sa asawang si Kim Jones.

Si Janine naman ay sinasabing walang karelasyon sa ngayon.

Huling naugnay kay Janine ay si Paulo Avelino, pero hindi nila opisyal kinumpirma kung nagkaroon sila ng relasyon at kung kailan sila naghiwalay.