BOMBO DAGUPAN – Mukhang nahanap na ng aktor na si Jericho Rosales ang kanyang pusong ligaw ito ay matapos niyang aminin na nasa “dating” stage na sila ni Janine Gutierrez.

Naging diretsa kasi ang sagot nito nang tanungin siya tungkol sa real score sa pagitan nila.

Kung saan sagot ng aktor, “hanging out, getting to know each other at dating.”

--Ads--

Sabay balik-tanong nito, “Ano yung hinihintay niyong word, ano ang bago na word sa GenZ?

“Hanging out” ang maririnig na isinagot ng ibang vloggers, pero tila ang hinahanap na salita ni Jericho ay “situationship.”

Kaugnay nito ay ilang beses namataang magkasamang nagde-date sina Jericho at Janine noong Hulyo.

Kumalat sa social media ang litrato nilang magkasamang nanood ng sine sa mall sa Makati at namasyal sa National Museum sa Manila.

Hindi rin nakaligtas sa netizens ang pagdalo ni Jericho sa launch ng single ng nakababatang kapatid ni Janine na si Diego Gutierrez noong July 3.

Pareho namang single sina Jericho at Janine sa ngayon. Huling naugnay kay Janine si Paulo Avelino, pero hindi nila opisyal na kinumpirma kung nagkaroon sila ng relasyon at kung kailan sila naghiwalay.

Si Jericho naman ay hiwalay sa asawang si Kim Jones, at naisapubliko iyon noong Enero 2024.