Itutuloy ng club disc jockey na si Jellie Aw ang kaso laban sa fiancé na si Jam Ignacio.
Tiniyak ni Jellie sa kanyang followers na itutuloy niya ang reklamo laban kay Jam dahil hindi raw basta ganun-ganun na lang yun.
Alam din daw ni Jellie na maraming katulad niyang biktima ng pang-aabuso ang takot magsumbong.
--Ads--
Ayon sa kanya, hindi raw porke’t mahal ng isang tao ay pinapalampas na lamang ang mga maling nagawa nila.
Suportado naman si Jellie ng maraming netizens.
Matatandaan na noong February 14, nagpunta si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) kung saan siya pormal na naghain ng reklamong physical abuse laban kay Jam.