DAGUPAN CITY- Pinangangambahan ng ilang mga grupo ang balak na pagsususpinde ng jeepney modernization program ng LTFRB lalo na at marami nang nailabas na salapi upang tumalima ang mga ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty Deluna, National President ng grupong ACTO, sana ay huwag nang ituloy ang pagsusupinde ng programang modernization program ng LTFRB dahil malaki na ang nagastos at effort ng mga transport groups upang tumalima sa bagay na ito. 

Aniya, humiling na rin ng pagbabago, lalo na sa mga sasakyang kailangang palitan, kaya’t lubos nilang pinangangambahan ang nasabing balak na pagsuspinde. 

--Ads--

Hindi man biglaan, kailangan na ring unti-unting maging modernized ang mga jeepney lalo na at kailangan nang sumabay sa pag-ikot ng panahon. 

Hiling naman ng grupo sa mga nakatataas na bigyan sila ng pagdagdag na subsidy dahil sa magandang maidudulot ng programang ito.

Dagdag niya, sana ay maintindihan ang kanilang hanay, lalo na’t marami ang kanilang kinahaharap sa bawat araw.