Nangako ang bagong Prime Minister ng Japan na si Ishiba Shigeru sa kanilang pakikipagtulungan sa Pilipinas, sa gitna ng kinakaharap ng dalawang bansa sa China sa Indo-Pacific Region.

Tiniyak ito ni Ishiba nang makausap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kakatapos na ASEAN Summit sa Laos.

Ikinatuwa naman ni Pangulong Marcos Jr. na makausap si Prime Minister Ishiba lalo na sa pagpapatibay ng bilateral relations ng Japan at Pilipinas, gayundin sa progreso ng Japan-U.s.-Philippine cooperation.

--Ads--

Maaari pa umanong mapaaga ang pagpapatupad ng defense pact o ang Reciprocal Access Agreement (RAA), na pinirmahan nina Marcos at dating Prime Minister Fumio Kishido noong nakaraang Hulyo.

Pinag-usapan din nila Pangulong Marcos at PM Ishida ang pagtutulungan sa ekonomiya, seguridad, ar teknolohiya pang-agrikultura.