Dagupan City – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga turistang dumadayo sa Japan, na ngayon ay itinuturing nang isa sa mga pangunahing destinasyon sa buong mundo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, malaki ang naging epekto ng mataas na halaga ng Japanese yen sa pag-akit ng mga dayuhang bisita, na karamihan ay mula sa mga karatig-bansa tulad ng South Korea.

Sa kasalukuyan, tinatayang 3.9 bilyong turista ang bumisita sa bansa, dahilan upang muling maitala ang Tokyo bilang most visited capital city in the world.

--Ads--

Ayon sa datos, ang Japan din ngayong taon ang host ng isang malaking international event na dinaluhan ng 158 bansa, dahilan upang lalo pang tumaas ang bilang ng mga bisita.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan kung bakit dinarayo ang Japan ay ang: Cultural attractions gaya ng mga templo at shrine, Authentic Japanese cuisine, Mga seasonal festivals gaya ng Matsuri, Mga cultural presentations at shows, at Aktibong pangangalaga sa mga heritage at natural sites.

Ayon kay Galvez, sa kabila ng pagdagsa ng mga turista, nananatiling disiplinado ang mga bisita — sumusunod sa batas trapiko, pagkamit ng kapayapaan, at nananatili ang pagsunod sa health protocols.

Gayunpaman, isa sa mga kinakaharap na hamon ng bansa ay ang epekto ng over-tourism, partikular sa mga lugar gaya ng Mt. Fuji, kung saan nagkakaroon na ng siksikan sa mga train stations at pagbabago sa pamumuhay ng mga lokal na residente.

Pagbabahagi pa ni Galvez, noong dekada 1970, naitala ang pagpasok ng 60 milyong turista sa bansa. Mula noon ay unti-unting lumobo ang bilang hanggang sa kasalukuyan, kung saan milyun-milyong bisita ang dumarayo taon-taon.