Nakararanas ngayon ng “unprecented rainfall” sa eastern Japan na nagdulot ng mga malawakang pagbaha at landslide na ikinsawi ng anim na katao at ikinasugat ng limang iba pa.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mganasawi ay isang babae na nasa loob ng kaniyang sasakyan na nalubog sa baha sa kalsada habang dalawa naman ang nag-collapse sa kalsada at kalaunan ay namatay.
Bunsod nito, pinayuhan ang mahigit 100,000 residente na lumikas na matapos ang mga naitalang landslide at pagkawala ng suplay ng kuryente dahil sa malalakas na buhos ng ulan.
Mahigit 20,000 households ang nawalan ng suplay ng kuryente habang mayroong 7,000 biyahero ang napaulat na stranded sa magdamag sa may Narita Airport sa kabisera ng Tokyo.
Sa may Chiba, malapit sa Toky, nakapagtala ng mahiogit 100mm ng ulan kada oras simula hapon nitong Huwebes. Ito ay tatlong beses ng average rainfall ngayong Agosto at pinkamataas na naitala sa bansa.
Kaugnay nito, nag-isyu na ang mga lokal na awtoridad ng level five emergency warning, ang pinakamataas na alerto, nitong Huwebes, subalit ibinaba ito sa level four nitong Biyernes ng umaga. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang babala sa mga panganib ng pagguho ng lupa at pagbaha.
Ang mga malawakang pagbaha ay kasunod ng mga serye ng bagyong tumama sa Japan at mga karatig na bansa ngayong linggo, bunsod ng kanilang forecast na kakaibang active typhoon season.
Inaasahang magtatagal pa ang mga pag-ulan hanggang gabi nitong Biyernes.










