Kinumpirma ni Bombo International correspondent Myles Briones Beltran na nakapagtala ang Japan ng unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Beltran, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nadetect ng genomic screening ang variant sa isang lalaking Namibian diplomat na dumating sa Tokyo galing ng Namibia — isa sa mga bansa sa African countries kung saan unang nakapagtala ng omicron cases

Nabatid na ang 30 anyos na lalaki ay dalawang beses nang nabakunahan.

--Ads--

Mayroong bahagyang sintomas ito na agad namang naka-quarantine na.

Samantala, lahat ng 71 pasahero na nakasama niya sa eroplano ay agad ding sinuri at nakaquarantine na tatagal ng 10 araw sa isang government-designated facility.

Kasunod nito ay agad na ipinatupad ang mas mahigpit na restrictions sa mga traveller upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Bombo International correspondent Myles Briones Beltran

Magugunitang maraming bansa ang nagpatupad ng travel restrictions dahil sa Omicron variant na itinuturing ng World Health Organization bilang “variant of concern”.